Friday, December 25, 2009

LABSONG BLUES

I LOVE YOU, GOODBYE

Image by
Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own

ilyg



Ang pagkakaalam ko talaga eh January 1. 2010 pa ipapalabas dapat itong I Love You, Goodbye kasi I heard na first week pa lang ng December eh nag-sho-shooting pa sila. Pero himala!!! nakahabol pala sila! Well, it's not impossible sa Star Cinema! Kaya nila mag-magic ng isang pelikula! Pero ano ba naman ito? Title na naman ng love song? Parang ganito na lang palagi ang napapanood natin. I Love You, Goodbye is different though. Sa una wow ito na yata ang pinakahihintay ko na romantic formula pero in the end Gosh.... same Star Cinema romance na naman.

CHUVA NG PELIKULA : Iniwan si Lizelle ni Gary para makasakay kaagad sa barko na dapat sabay silang magtatrabaho. Devastated si Lizelle hanggat nakilala niya ang lalakeng papawi ng kanyang kalungkutan na si Dr. Adrian. After 2 years, nagbalik si Gary para sa 2nd chance nila ni Lizelle. Ayaw na ni Lizelle kasi masaya na siya kay Adrian. Pero lahat gagawin ni Gary maibalik lang ang dating pagmamahalan. Kahit gamitin pa niya ang nag-iisang anak ni Adrian na si Ysa na galit na galit kay Lizelle.

ilyg1

Sa title pa lang eh parang One More Chance ang dating. Hindi ito rom-com na pa-tweetums. This time may love triangle ang conflict. Isang babaeng naguguluhan kung sino ba pipiliin niya? Doon ba sa first love niya na iniwanan siya dahil ang-abroad pero nagpapainit naman sa kanya? Kasi sabi niya OK lang naman daw na mahirap sila basta masaya lang sila. O doon sa mayamang doctor na wala namang panahon sa kanya at galit na galit pa sa kanya ang mother at daughter nito pero naibibigay naman lahat ng luho niya? Ikaw girl? Sino ba pipiliin mo? Dito umikot ang predictable story ng pelikula. Hindi mo na kailangang mag-isip kasi alam na alam mo na ang mga mangyayari. There is a twist daw oh? Pero big flaw talaga. SPOILER NEXT: May character dito na namatay at ka-close ni Lizelle pero nailibing na lahat lahat eh hindi man lang niya nalaman! Andami kaya nilang magkakabarkada ano ni isa wala man lang nakapagsabi sa kanya? Tapos doon sa pasyenteng nagpa-opera sa Makati Medical Hospital, eh bakit pa doon nila pina-ospital tapos problemado sila sa gastusin? Pwede naman sa Phil General Hospital o ibang public hospitals di ba? Pangmayaman kaya ang Makati Med? Once admitted ang isang patient doon expect a huge hospital bill!Taps nagrereklamo siya dahil malaki na raw bills nila? Gusto lang kasi gumawa ng conflict ang mga writers pero it doesn't make any sense. Sabi ko nga minadali ang shooting nila ganun din ang happy ending! Ambilis ng pangyayari... lahat ng mga magkakaaway nagkabati lahat sa isang iglap! Gosh.... sana pinanindigan nila ang title na “I Love You Goodbye” man lang! I want a serious sad ending!



ilyg2

Laurice Guillen is a brilliant director. Gusto ko mga kuha niya. Mahilig lang siyang mag-blurred ng mga faces pero yung mga palipat-lipat na kuha ng mga facial expressions ng mga artista? Ang galing!Pero di ko gusto ang pagpapakita ng mga spoiler clips sa opening credits! Pero may napansin ako na eksena na napapailing ako. After the dinner scene of Lizelle, Adrian, Gary at Ysa, may serious na usapan sila Lizelle at Adrian at naka-side view lang sila sa pinto ni Ysa. Pinag-uusapan nila si Ysa pero si Ysa eh nakikinig lang sa kanila doon mismo sa pinto. Take note, side view lang nila ang pinto pero hindi man lang nila napapansin si Ysa na nag-e-eavesdrop sa kanila! Heto pa, naghahanap talaga sila ng chance na mapatugtog ang song na I Love You Goodbye.Pinatugtog nila ito doon sa passionate kissing scene nina Lizelle at Gary sa beach. Take note ito yung pagbabalikan moment ng dalawa pero bakit pinatugtog ang sad song na ito? Dapat pinatugtog ito doon sa cemetery scene at umiiyak si Lizelle sa puntod. Perfect ang song sa malungkot na eksenang yun. Anyway, impressive ang cinematography ni Lee Meily talaga!


ilyg4

May chance na ba si Gabby Concepcion na ma-take it take it ang Best Actor trophy? Wala!!! Pero tingin ko mananalo siya kasi mananalo kasi si Sharon Cuneta. Alam nyo naman ang showbiz mahilig sa intriga!!! Gusto nila makita ang reunion ng Sharon-Gabby Loveteam ever. Walang kabuhay-buhay ang acting ni Gabby. Wala siyang ginawa kundi i-display ang mga polo shirts na ini-endorse niya. Pero kahit ganun na edad niya hunk pa rin siya. Bagay talaga sila Angelica Panganiban at Derek Ramsay! Lahat ng mga romantic moments nila may sparks!!! Si Angelica ang matinding kalaban ni Sharon sa Best Actress. Kaso pagdating sa iyakan mas magaling si Mega! Si Derek Ok lang naman. Pang-kama lang siya rito. Si Kim Chiu ang miscast! Father niya si Gabby na mestizo at mother niya si Angel Aquino na morena. Ang naging anak nila ay si Kim Chiu na chinitang maputi! Paano nangyari yun? Di naman sinabi na nag-ampon sila ng Chinese daughter na hiniram sa Mano Po eh? Pero malaki na improvement ni Kim sa acting! Ang galing niya doon sa hysterical part ni Ysa.


ilyg3

Hmmm.... naguguluhan ako kung maganda ba ito o panget? The story is common. The formula is still the same. The acting is great except Gabby. The song is beautiful pero mali ang pagkagamit. Angelica and Kim are both sexy and charming. Derek is a seductive hunk. Laurice is amazing kahit rush ang movie. Pero I had fun naman. It's not that bad. Star Cinema fanatics won't mind at all. They will love this rush!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

1 comment:

JISHCAND said...

2009 MMFF WINNERS

BEST PICTURE : ANG PANDAY

BEST PICTURE 1ST RUNNER UP : I LOVE YOU GOOD BYE

BEST PICTURE 2ND RUNNER UP : ANG DARLING KONG ASWANG

BEST DIRECTOR: JOEL LAMANGAN ( MANO PO 6 )

BEST ACTRESS : SHARON CUNETA ( MANO PO 6 )

BEST ACTOR : BONG REVILLA ( ANG PANDAY )

BEST SUPPORTING ACTRESS : HEART EVANGELISTA ( MANO PO 6 )

BEST SUPPORTING ACTOR : PHILLIP SALVADOR ( ANG PANDAY )

BEST CHILD PERFORMER : BUBOY VILLAR ( ANG PANDAY )

BEST ORIGINAL STORY : I LOVE YOU GOODBYE

BEST MAKE-UP: SHAKE RATTLE & ROLL 11

BEST PRODUCTION DESIGN : ANG PANDAY

BEST SOUND RECORDING : ANG PANDAY

BEST VISUAL EFFECTS: ANG PANDAY

BEST ORIGINAL THEMESONG: ANG PANDAY

BEST MUSICAL SCORE: MANO PO 6

BEST EDITING: I LOVE YOU GOODBYE

BEST CINEMATOGRAPHY: I LOVE YOU GOODBYE


LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD: DOLPHY


Top Grossers:
NCR (SM North EDSA): Ang Panday
Luzon (SM Dasma): Ang Darling Kong Aswang
Visayas (SM Cebu): I Love You Goodbye
Mindanao (SM Davao): I Love You Goodbye

GENDER SENSITIVE FILM: MANO PO 6
GATPUNO VILLEGAS CULTURAL AWARD : MANO PO 6