Saturday, December 12, 2009
USOK SA KAWALAN, HAMOG NG PAG-IBIG
ImageChef.com Poetry Blender
Naintriga lang kasi ako nang mabigyan ang Walang Hanggang Paalam ng rated-X ng MRTCB. Bakit daw ayaw nila ipalabas ito? Dahil daw sa blow job at ejaculation scene ng dalawang gay lovers dito! Teka teka teka??? Eh bakit yung mga pwelikula ni Joel Lamangan at yung sa ibang mga basurang gay films na lantaran ang exploitation eh hindi man lang nabibigyan ng X -rating? Unfair talaga itong MTRCB!!! Di ko alam kung anong gusto nilang mangyari!!! You know what? Walang Hanggang Paalam is a beautiful but silent film. Kahit iniklian pa nila yung BJ scene na pandagdag init lang naman eh hanga pa rin ako sa pelikulang ito. Yun nga lang... be patient for a while.
BUOD NG PELIKULA: 18-year old lang si Maria eh nakipagtanan na siya kay Ryan na bf niya for one year patungong Baguio. Doon sa Pine City, makikilala nila ang isang Hapon na may cancer para hanapin ang dating minamahal na Pinay pero may taning na pala ang buhay ng banyaga. Nagiging malapit sina Maria at ang hapon na para bang nagkakamabutihan kahit sandali lang nagkakilala. Ngunit di alam ni Maria na nagpadala pala ng private investigator ang daddy niya para hagilapin siya sa Baguio. Isang matinding sekreto ang lalabas at gigimbal sa kanilang lahat! Ano kaya ito? Ito kaya yung nakatago sa Barrel Man na #1 souvenir item ng Baguio na pag tinanggal mo ang barrel eh may gumagalaw na secret???
Sa totoo lang kailangan mo ng matinding patience para magustuhan mo ang pelikulang ito. Mahigit isang oras kasi na super bagal ang takbo ng pelikula. As in mahigit isang oras kang maghihitay kung ano ba talaga ang istorya nito? Simple lang naman kasi ang istorya na pwedeng tapusin kaagad within 5 minutes pero parang tinutulak ata ng isang matandang pagong ang climax kaya medyo natagalan. Para rin siyang dormant volcano na tahimik lang ng ilang taon hindi nagpaparamdam pero pag pumutok eh naku parang end of the world ang drama. Ganito ang kwento ng Walang Hanggang Paalam, tahimik lang ang mga characters dito. Nakikita lang natin sila na nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame o nakaupo sa sahig nag-yoyosi o kaya sa isang tabi nagmamasid sa kawalan. Meron din mga simpleng problema na madali namang ma-solved tulad ng pinto nina Maria sa hotel. May duplicate naman siguro ang management di ba? Pero there are simple mistakes na magagawa talaga ng isang tao kaya pwede na rin. May konting usap-usapan din pero hindi siya interesting. Pero pag na-reveal na ang twist eh naku mabubuhay ang dugo mo! Manginginig tuhod mo na para bang may sunog sa bahay nyo! Ganyan kasi ang nangyari sa akin. Dahil sa kabagalan ng kwento eh lahat ng mga clues ng shocking twist dito na naibigay na pala sa simula eh hindi ko man lang napapansin. Na-distract kasi ako sa kagandagan ng technical details na pelikula. Kung attentive ka sa mga galaw at mga pinapakitang clues eh malamang sa simula pa lang eh alam mo na ang twist. Shocked lang kasi hindi ko kaagad nahulaan ang twist. Disturbing masyado ang twist promise. Naloka ako! Hanggang ngayon di pa rin maaalis sa isip ko. Parang forever na yata akong mababagabag sa napanood ko.
Hindi ba pag nakakabagot ang kwento eh may tendency tayo na mag-walk out na lang sa sinehan? Iba kasi ang style nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos. Yeah, slow ang pacing ng kwento pero yung mga silent moments ng mga characters dito eh artistic naman ang pagkakakuha. Nakakatunaw ang mga eksenang pinapakita ang mga hamog sa Baguio City tapos malungkot pa ang isang character. Hands down sa cinematography! Wow talaga! Then yung mga paninigarilyo nila sa hotel corrridor ang ganda ng lighting at saka ang paggalaw ng camera na parang bang humihinga sa mga dingding. Maganda rin kasi ang music na nilapat dito. Kahit piano lang ang palaging maririnig, bumabagay naman sa mga sad scenes.The best talaga! You know what yung shortened BJ scene eh kahit papaano eh intense pa rin naman pero maintained pa rin ang pagiging artistic nito! Hindi po siya bastos tingnan. Stylish ang masturbation scene eh kahit saan anggulo mo tingnan eh perfect ang execution na hindi nagmukhang exploitation! Clap clap sa dalawang directors!! Pero hindi ko lang nagustuhan ang crowd control sa Baguio. Tumitingin kasi ang mga tao sa camera eh halata masyado.
Magaling talaga sina Villaluna at Ramos kasi naipalabas nila ang itinatagong acting ni Lovi Poe. Best Actress si Lovi. So far this year aside from Irma Adlawan at Che Ramos, bet ko na rin si Lovi sa mga acting awards. Kitang-kita sa mga mukha niya ang tunay na anyo ng kalungkutan pati yung mga pagluha niya na nakakadala rin. Sa totoo lang Ok rin si John Woo! Huwag lang siyang magsalita. Tama na yung tahimik lang siya at bahala na ang mga mata niya na umakting. Effective ang twist dahil doon sa facial experession na naipakita niya. Si Joem Bascon naman eh sa bandang huli lang bumanat. Pero kay Jake Roxas ako medyo nainlove. In-love daw oh? Perfect sa kanya kung paano maging closet gay. Bilib ako doon sa silent acting na pinakita niya during the masturbation scene ng kanyang lover. Magkahalong lungkot at excitement ang nakita ko sa mukha nya on that scene pero higit sa lahat habang nagkakaedad na si Jake eh lalo na pala siyang gumagwapo. Jake, sana gawa ka pa ng maraming pelikula! Iwasan mo na lang si Lamangan lalo na yung mga gay films niya!
It's hard to recommend Walang Hanggang Paalam kasi kakaiba ang style nito. Hindi ito pang-masa at hind rin ito para sa mga gays na habol lang ay exploitation scenes. Kung hanap mo ay mga pinag-aralang mga eksena eh solved na solved ka kasi simula hanggat katapusan eh mabubusog ka sa mga beautiful frames. Sabi nga sa ginawa kong salawikain: mabagal man pero magaling eh maihahabol din. Tugmang-tugma ito sa pelikulang na ito. Katulad rin ng Ilusyon at Selda, more on artistic approach ang Walang Hanggang Paalam. Kahit hindi man masyado kumita ang mga pelikula nina Ramos at Villaluna eh sana gumawa pa rin sila ng mga magagandang pelikula. Bilib na bilib ako sa mga talento nila!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment