Tuesday, December 1, 2009

KUYA, HUWAG!!!!

BAYAW

Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own

bayaw


Marahil madalas na nating naririnig ang walang kamatayang sigaw ni Inday na “Kuya Wag!!!” Pero hindi naman ito kwento ng isang maid sa bahay na gustong tikman ni Kuya. Tungkol ito sa mga engot na mag-bayaw na nagtitikiman! This is a very serious forced-drama gay film. Kaso di ko talaga naiwasang tumawa nang tumawa. Sa mga gumawa ng pwelikulang ito pinag-isipan nyo ba talaga bago gawin ito? Parang sinabi nyo lang na basta may hubaran at halikan ng dalawang lalake pwede na yan at kikita na yan ! Kuya, huwag naman kayong ganyan! Sinayang nyo pera ko eh!

BUOD NG PELIKULA : Dating pulis si Nilo kaya tambay na lang siya sa bahay. Kasama rin niya sa pagtatambay ang guwapong bayaw niya na si Rhenan na buong araw naglalaro ng sabong ng gagamba at from time to time eh kumakatok sa mga bading sa parlor para magbenta ng lollipop na chocolate ang flavor with a little bit of salt. Ang misis na lang ni Nilo na kapatid ni Rhenan ang naghahanap-buhay para sa kanila. Dahil di na natiis ng asawa ang pagiging batugan ng dalawa eh nagkaroon ng matinding away na nauwi sa barilan. Patay si misis! Takas agad ang dalawa!!! Pero nahuli rin sila. Dito na ilalahad ni Nilo ang lahat-lahat sa imbestigasyon! Pati X-rated eksferyens nila ng kanyang bayaw eh naikwento pa! Kuya? Nagpapatawa ka ba?



Matagal ko nang napanood ito sa Indie Sine kaso parang nakalimutan kong i-review o nawalan yata ako ng gana na i-review ito. O kaya parang tinawag yata ako ni Kuyang Pulis kasi may ipapatikim daw siyang banana ice cream kaya nakalimutan ko ito! Ha ha ha! Anyway balikan natin si Bayaw. For example napagbintangan ka ng isang krimen like shop lifting at tinanong ka ng pulis kung ikaw ba ang nagnakaw ng condom sa 7-11 ??? Ang isasagot mo ba ay naku sir hindi po ako nagnanakaw ng condom na yan baka naipasok lang po yan sa bulsa ko. Pero ako po ang nang-rape doon sa kapitbahay namin na 16 years old. Pinatay ko rin po ang aso nila pati ang driver nila sinaksak ko po ng balisong. Kaso nakita po ako ng isang kapitbahay nila na ni-re-rape ko siya kaya binaril ko rin ang kapitbahay na yun. Nairinig po ng lahat ang putok baril kaya sinunog ko na rin ang buong barangay! Nakakalokang sagot di ba? Yan ang scenario ng Bayaw! Simpleng tanong lang kung pinatay niya ba asawa niya? Aba eh inamin ang lahat ng mga napatay niya doon sa pagtakas nila eh pati yug pag-se-sex nila ng kanyang bayaw eh inilahad din sa pulis na nag-iimbestiga? Pare, naka-rugby ka ba??? Tengengot mo namang pulis barilin kaya kita diyan ng water gun para magising ka! Tapos may twist pa sa bandang ending na nagpagulo sa lahat. Di ko tuloy alam kung ano ba kuya? Di ko rin maintindihan bakit galit na galit si Rhenan sa ate niya nag nagmamalasakit lang naman sa kanya tapos etong bayaw niya na matagal na pala siyang ni-re-rape eh natitiis niya? Kunsabagay tambay lang sa kanto itong si Rhenan kaya engot din mag-isip. Sa tindig at porma niyang yun na pang-modelo eh tambay lang? Pare sama kasi sa akin apply tayo masahista!




Handheld shot ng camera ang style nito para daw realistic ang dating. Naks naman may effort pa? Anong realistic doon sa pinagbabaril sila ng mga pulis habang sila nakasakay ng tricycle ni hindi man lang tinatamaan ng mga bala? May training ba talaga ang mga pulis sa shooting? Kaya nga may pinto ang CR para isara pag naliligo tayo di ba? Eh dito andaming shower scenes kaso di naman nila isinasara. Gusto lang kasi maipakita ng director ang art niya. Art na magpakita ng pwet ng lalake. Piyesta si Bebe nito malamang! Heto pa pala ang nakakatawang eksena doon sa part na pinapaliguan si Rhenan kasi may sugat siya eh ang tugtog ba naman ay Ifugao inspired. Anong klaseng tugtog yun sa dalawang lalakeng sabay na naliligo parang nose-flute yata ang ginamit? Ang nagustuhan ko lang eh yung ending kasi salamat naman at natapos na. Pinilit talaga nila gawing sweet ang ending huh?


bayaw5

Sa acting naman OK naman nang konti si Paolo Rivero kaso walang kwenta naman role niya. Kaya kahit bigay todo pa siya hindi naman siya convincingLalo na itong si Janvier Daily, wala talagang kabuhay-buhay ang acting. Same tone lang ang lahat ng sinasabi niya! Saan lang sila magaling? Magaling lang sila sa hubaran. May frontal nudity ba? Tinatanong pa ba ito? In fairness, nandito pala si Kaye ng Survivor Philippines: Thailand at kapansin-pansin acting niya kahit sandali lang siya rito.

bayaw2

Ginawa ang pelikulang ito marahil para kumita lang ng extrang pera galing sa mga kapatid ni Bebe Gandanghari. . Wala na ito sa sinehan pero may DVD na raw. Kung trip mo lang makakita ang kagwapuhan ng dalawa eh di tingnan mo na lang posters nila rito sa review ko. Pare, exploitation movie lang ito na walang saysay. Kung hanap mo ay makabuluhang kwento, ang maibibigay ng Bayaw ay 0% talaga. Itlog lang talaga, kuya! Kung gusto mo lang naman ay itlog aba eh meron naman sila dito siyempre. Bwa ha ha ha!!!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: