Saturday, December 26, 2009

TEENSATION SCREAMFEST

SHAKE, RATTLE & ROLL XI

Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own

SRRA

Nagulat ako doon sa teaser poster ng Shake Rattle & Roll XI kasi sabi regalo daw nila ito ngayong pasko! Hmmm.. ang title ng review ko last year sa SRR X eh Mother Lily's Christmas Gift. Nabasa ba nila review ko last year? Ha ha wish ko lang! Nag-suggest din ako last year na sana yung last episode na Nieves eh gawing full movie na rin! Guess what? Kasali sana ang Nieves sa MMFF this year kaso may health problems si Direk Mike Tuviera kaya hindi na raw natuloy. Sad naman! Surprisingly ,this new franchise fares better! 3 episodes na nakakaloka! 3 episodes na kakaiba ang panlasa. 3 episodes na tiyak magpapatili sa lahat ng mga bata!

SRRA

Una ay ang DIABLO: Tungkol ito sa possessed intern-doctor na si Claire. Nawalan na siya ng faith sa Diyos after ma-massacre ang buong family niya around Christmas noong bata pa siya.

SRRA3SRRA4

Hindi siya nakakatakot. Based sa audience reactions eh medyo low lang ang decibel sound meter. Pero sa tatlo dito ako humanga pagdating sa shots at editing. Ang ganda ng mga frames ni Rico Gutierrez. Kahit sa CGI the best din sa lahat! Kahit sa acting panalo rin naman. Maja Salvador is really good kaso hindi pala siya ganun kaganda. Akala ko cute siya di naman pala. Mabilis ang pangyayari sa Diablo. Kung napanood mo ang Exorcist eh ginaya lang naman nila ang style ng exorcism.

Next ay ang UKAY-UKAY. Tungkol naman ito sa ikakasal na si Kayla, Nagustuhan niya ang isang vintage gown na nakita niya sa ukay-ukay. Dream niya kasi with Harold ay isang vintage wedding. Pero di niya alam na ang gown na yun ay may dalang sumpa na maaaring may dalang panganib sa buhay niya.

SRRA1

Sa tatlo ito ang pinaka-laugh trip at ito rin ang may pinakamalakas na sigawan sa Standing Room Only na Megamall. Kahit sa sahig may nakaupo pa rin pero hanep ang sigawan ng mga kabataan sa gown na gumagalaw. Hindi ko alam bakit sila madaling matakot sa isang white gown na naglalakad? Hindi siyempre ako natakot pero based doon sa audience reaction nag-enjoy ako sa napanood ko. Panalo rin kasi ang acting ni Ruffa na may dala pang chainsaw! Ang galing huh? Pero agaw eksena si John Lapuz sa lahat! Abangan mo linya niya na laugh trip talaga! Yun nga lang sobrang haba ng segment na ito. Pwede namang iklian eh. Sabi rin sa curse na yung bride lang ang papatayin ng sumpa pero bakit nandamay pa ng mga inosente. Doon lang ako napailing! Magaling si Don Michael Perez magpatili ng mga bata! May nakita akong link na sigawan sa Ukay-Ukay segment: HEAR HERE

Last ay ang LAMANG LUPA. Tungkol naman ito sa mga magkakabarkda na nag-camping. Pinaglaruan nila ang mga punso pero di nila alam na may mga galit na mga lamang-lupa na nakatira rito. Maghihigante ang mga ito at iisa-isahin sila!


SRRA2

Magsisigaw pa rin ang mga kabataan sa segment na ito. I think ito ang may pinakamagandang cinematography at maganda rin ang mga kuha ni Jossel Monteverde. More on habulan ito sa forest kaya creepy ang setting. Nakakatakot sa mga bata ang mga lamang lupa kaya ang gulat factor dito ay effective. Sabi ko na nga ba lilitaw ang acting ni Jennica Garcia! Siya ang kapansin-pansin dito sa lahat. The others are good too like the Roco Twins, Mart Escudero and Rayver Cruz. Weakest links sina Bangs Garcia at ang nakakairitang acting ni Iya Villania. May flaw lang sa movie kasi pag babae hindi pinapatay ng mga engkanto kundi ni-re-rape lang daw at inaanakan pero bakit yung dalawang sexy girls eh pinatay agad. Gusto ko kasing makitang nire-rape si Iya kasi nakakairita ang acting niya!


SRRA5


Awesome ang experience ko sa movie na ito dahil sa mga narinig kong tilian. Nakakadala ang mga sigawan ng mga little girls at teeny gays sa Megamall. Laugh trip kasi ang ingay nila. This movie is good for barkada fun! Enjoy talaga! Basta it's all about horror fun sa loob. Paglabas mo hindi ka naman matatakot. Walang aftershock goose bumps! Shake, Rattle and Roll XI has new directors kaya medyo fresh na naman ito. The three directors are awesome! Sana next Christmas kunin na naman nila si Richard Somes na nag-direk ng Yanggaw kasi alam ko may Horror gift na naman si Mother Lily sa susunod na Pasko. Salamat Mader sa gift! Pero I need cash!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: