Lahat na yata ng gimmick eh ginawa na ni Bossing Vic! From his nonsense Enteng Kabisote series and stupid legends na palaging top grosser sa MMFF. Tapos last year yung napakawalang kwentang Iskul Bukol. As usual may MMFF entry na naman siya! Put in mind na aim lang nila eh maging money maker at magpasaya sa target audience nila. Paki ba nila sa quality? Ang Darling Kong Aswang is another blockbuster na talagang magugustuhan ng buong pamilya? Take note: target audience lang nila ha? Kung hindi ka pumipila sa mga Enteng ni Vic Sotto every Christmas? Eh hindi ka kasama sa target!
CHUVA NG PELIKULA : Dahil nangaganib ang buhay nina Elisa sa probinsiya dahil may banta sila sa kapwa nila aswang eh napilitan silang magtago sa Maynila. Dito makikilala ni Elisa si Victor isang guapong biyudo. As usual love at first sight agad. Ipinagtapat ni Elisa na aswang siya at ikinagulat ni Victor itong balita. Pero nananaig pa rin ang pag-ibig kaysa sa takot ni Victor. Kailangan niyang maangkin ang sexiest FHM woman in the barrio!
Inaasahan ko talaga na dudumugin ito ng mga tao kaya nag-decide na ako panoorin ang maagang screening nito. Gosh pagpasok ko punong-puno na!! Standing na talaga! Nakaupo pa sila sa floor. Pero nakahanap ako ng seat sa front row. As usual kababawan lang naman kasi ito. Kung madali kang matawa sa isang taong pinapalo sa tiyan o kinukuryente o kaya bungguan ng mga tao o kaya nauuntog na ulo? Eh di tumawa ka! Kung sa tingin mo eh nakakatawa ang mga aswang na nangungurot lang at kinakagat pa ng tao? Eh di tumawa ka! Kung feeling mo matutuwa ka sa mga recycled jokes ni Bossing? Eh di tumawa ka! Lahat ng mga pinagsasabi nila eh mga nonsense! Halos lahat ng mga lines ay halos panlalait sa kapwa like ang panget mo! Ang baho mo! Kung tingin mo nakakatuwa ang mga ito eh di solved ka sa kakatawa! Pero lahat ng mga yan ay pinagtatawanan ng mga target audience sa Megamall Cinema 2. Nonstop ang tawanan at sigawan nila. Pati yung mga aswang na hind naman mukhang aswang eh tinitilian nila sa takot! Ako naman tahimik lang ako pero tinitingnan ang mga mali ng pelikula na tinatawanan lang nila. Pero aaminin ko na may ilang punch lines na natawa ako courtesy of Allan K and Wally Bayola.
Ampangeetttt ng sound!!!!!!! Poor sound!!! Horrible. Bulong ang ibang eksena minsan malakas na naman. Balik bulong na naman. Eh maingay pa sa loob kaya poor na poor. Kung sa tingin mo maganda ang visual effecs nila pwede ba? Ka-level pa rin ng Enteng atrocious effects! Nakakatuwa ang mga aswang nila na nangungurot lang. Ha ha ha! Kahit ang lighting nila di man lang magawa nang tama. Kahit sa daylight kinunan eh sobra ang lighting. Yung mga suot na bright colors tuloy nila ang nangingibabaw! Napailing lang ako sa aswang na si Elisa. Isa siyang aswang sa bukid pero napaka-heavy ng make-up. Tadtad ng foundation ang mukha para flawless, glossy ang lips na sparkling under the sunlight at moonlight, at higit sa lahat blooming ang rosy cheeks! Aswang ba siya o pokpok sa barrio? Kaya halos lahat ng mga eksena ay puro close-up shots ni Christine Reyes. Ang ganda nga niya! Natakot pala ang mga aswang sa Boy Bawang na regalo pero noong binigyan ng sandwich na may palaman na “liver spread” eh tuwang-tuwa at kinain talaga nila! Later in the movie, ginamit ang asin pampatay sa mga aswang! Then I wonder, eh noong kinain pala nila ang liver spread eh dapat nangingisay na sila di ba? Take note: salt is one main ingredient sa liver spread. Pasensiya na pinapansin ko pa ang mga ito sa movie! Ha ha ha! Ayan natawa na ako!
As always, pa-pogi lang naman si Vic Sotto rito. Guapo siya wala nang iba! Hero siya at kahit sino maiinlab sa kanya! Ano pa ba bago sa acting niya?? Pero kung fan ka niya wala namang problema di ba? I love Vic Sotto as a host! Si Christine magaling siya! Kaso ang director nag-focus lang sa kagandahan ng dalaga! Kaya more on beautiful eyes at kissable lips lang si Tintin. May scene siya sa bandang huli na kung medyo mahaba-haba lang eh panalo siya sa acting! Sa kanilang dalawa lang naman itong movie, yung iba dinadaanan lang ng camera.
After the movie, di kaagad ako nakalabas kasi sa sobrang dami ng tao. Lumabas ang iba na nakangiti kasi tuwang-tuwa sila! Ako naman nabwisit kasi gusto ko nang lumabas! May nanghipo pa sa akin sa siksikan! Bwisit siya! Recommended ko ito sa lahat ng mga Enteng Kabisote fans! Pero kung nararamdaman mo ang review ko at sa tingin mo eh madidismaya ka? That's good! Save your money!
No comments:
Post a Comment