Monday, December 21, 2009

SIMBANG GABI, SIMBANG GALA, SIMBANG EWAN

Aba aba aba paskong pasko na nga!!! Malamig na rin ang simoy ng hangin. Naaamoy ko na rin ang mainit na puto at mga kakanin sa madaling araw. Simbang gabi na pala ng mga Katoliko. Alam nyo Katoliko rin naman ako eh kaso nakakairita ang ibang mga tao pag panahon na ng simbang gabi! Bakit nga ba gumigising ang mga tao para makadalo sa siyam na misa ng simbang gabi? Para daw matupad mga wishes nila?!?

SG9

Ganun? Ooowss??? So matutupad din pala ang mga wishes ng mga ito?
Sinong mga ito??
Itong mga nakakairita!!!


SG1 SG2

1 Minsan maaga ang labas ko sa work. 5Am out na ako kaya naaabutan ko ang mga tao sa labas ng simbahan. Hindi na po ako nagsisimbang gabi kasi nakakabwisit itong mga grupo ng mga hip hop gangs, mga emo at mga rakista na pagkatapos ng misa eh kanya-kanyang batuhan at awayan na!!! hello??? Nagsimba pa kayo? Ambababoy nyo!!! Last December 16 yan ang scenario sa Pasig City Immaculate Church. Nagkagulo ang mga BCEO Police Force dahil sa mga magugulong mga kabataan na ito! Para bang may riot sa labas ng simbahan na nagbabatuhan! Gosh!!! Every year po akong nakakakita ng ganitong mga riot ng mga gangs. So kung araw-araw dumadalo ng simbang gabi ang mga ito eh matutupad din ba mga wishes nila?


SG3

2 Matutupad rin kaya ang mga wishes ng mga maaarteng mga dalagang ito na naka-IPOD lang sa labas ng simbahan. Hindi na sila nakapasok sa sobrang puno kaya sa labas na lang sila chika chicka with their friends . Txt txt to the max. Waiting na matapos ang mass ng pari! Hello girls??? Nasa mall ba kayo o sa church?

SG7

3 Eh ang mga lovebirds na nagyayakapan lang sa tabi tabi ng simbahan? OA sila huh??? PDA na PDA sa harap ng mga tao! Nasa simbahan po tayo wala po tayo sa Luneta??? So matutupad din ba mga wishes nila? Hello???

SG4

4 Eh etong mga grupo ng mga dalaginding na nagapacute lang naman sa labas. Matutupad din ba mga wishes nila?

SG5

5 Eh paano naman itong mga galing sa call center na naninigarilyo pa rin sa labas ng simbahan. Suot-suot pa mga ID nila. Matutupad din kaya mga wishes nila? May incense na po ang pari sa loob wag nyo nang dagdagan ng nakakamatay na usok!


SG6

6 Eh yung mga nakatulog sa tabi ng simbahan dahil inaantok pa o yung mga nakakatulog sa mga upuan nila? Present sila palagi pero absent naman ang isip. Matutupad din kaya mga wishes nila?


SG8

7 Eh itong mga hunk guys na babad sa gym na parang mag-best friends ang drama pero naka-holding hands naman pala sa dilim. Matutupad din ba mga wishes nila?
Disclaimer: Hindi po sina Piolo at Sam yan.

Maraming tao talaga ang nagsisimba pag panahon na ng misa de gallo. Tradisyon na natin ito pero kung ito naman palagi ang aking nakikita eh di bale na lang ang mga wishes wishes na yan. Lalo kasi akong nagkakasala habang nagsisimba ako dahil napapamura ako sa ASAR!!!! Yung mga pitong nabanggit ko matutupad naman siguro mga wishes nila kung talagang serious lang sila sa pagdarasal. Dapat eh misa talaga ang sadya at hindi gimik lang ng barkada o kaya mga kakanin lang ang isinimba!

No comments: