Friday, December 25, 2009

MEGABIGAT ANG FAKENESS

free glitter text and family website at FamilyLobby.com mano po6

Naku ilang Mano Po na ba ang napanood ko? Teka halos lahat na pala! Akala ko talaga itinigil na ni Mother Lily ang kanyang Fil-Chinese Family Epic Saga pero humirit pa ng isa! Bida pa si Mega! Rated A pa raw ang pelikula!? Hmmm... sige na nga baka iba ang timpla nitong pang-anim na Mano Po. Pero common plot lang naman pala na ilang beses na nating napanood sa TV at kahit sa ilang mga pelikula. Same Mano Po Formula pa rin. Same director pa rin na same pa rin ang style mula umpisa. Ang pagkakaiba lang eh: Megabigat ang mga bida!


CHUVA NG PELIKULA:
Nang mamatay ang asawa ni Melinda Uy ay parang gumuho na rin ang kanyang mundo. Filipino-Chinese ang dugo ni Melinda pero di siya tanggap ng kanyang mga in-laws na purong Tsino.Basahan ang turing sa kanya roon at unti-unti ring inilayo ang mga anak niya sa kanya maliban kay Carol. Ginawa niya lahat para makabangon pero nang maging bilyonarya na si Melinda ay lalo naman siyang kinaiinisan ng anak niyang napalayo sa kanya, si Stephanie. Tingin ni Stephanie, walang kwentang ina si Melinda. Maibabalik pa kaya ni Melinda ang pamilyang pinaglalaban niya?


mano po6A

Noong napanood ko ang trailer eh parang sweet revenge story na naman na parang Babangon Ako't Dudurugin Kita ang tema. Ang inaabangan ko lang naman dito ay yung makatotohanang sampalan nina Mega at Zsa Zsa.Eto ang pinakahighlight ng pelikula kasi parang Kimmy Dora ang drama. It's a common cat fight pero may dating naman. Napakapredictable ng story kaso sa dami ng mga isinisingit na mga flashbacks na bigla-bigla na lang sasapaw eh mawalala concentration mo sa isang eksena. It's a weird way of editing pero nabigyan naman ng kaliwanagan ang character ni Melinda pati yung ibang characters. Effective ang drama rito kasi medyo napaluha ako pero once lang naman. This is a mother's story at bilib ako sa pagbuo ng kwento ni Melinda. Kawawa siya talaga at gustong gusto mo na siyang bumangon para mabawi ang mga anak niya. Super drama ito at maaaring magpaluha sa inyo kung iyakin ka talaga . As usual baka mabagot ang mga bata dahil Chinese ang ilang salita at baka di nila masundan ang subtitles. Di naman ako na-bored totally kaso may mga characters talaga na kahit hindi naman isinali sa pelikula eh buo pa rin naman ang kwento.


mano po6D

Wala akong nakitang pagbabago sa mga kuha ni Lamangan. Ganun pa rin from Mano Po 1 hanggang 5! May mga eksena at characters na pwede talagang tanggalin. Eto pala ang nakakatawa kasi bakit nagsasalita sila ng broken Chinese kahit pure Chinese naman sila? Di ba nila napansin na inconsistent ang fake chinita make-up ni Mega? In one scene singkit siya tapos next scene mukhang Sharon na naman siya. Like huh? Nawawala ba ang pagkasingkit pag iyak nang iyak o kaya naging bilyonarya na? Hindi naman ata di ba? As usual pag gawa ni Lamangan meron talagang ads na isinisingit. Pumunta pa talaga silang Beijing para ano! Wala namang sense yung eksenang yun pwede naman nilang gawin sa Chinatown na lang. Gumastos pa.



mano po6B


Well, sa acting lang itong Mano Po 6 bumawi. Sharon Cuneta will win, should win and must win. Bigay na bigay si Mega! This is her moment to shine once again at bumagay sa kanya ang role except lang sa hindi maayos na pagka-make-up ni Fanny Serrano sa mga mata niya at ehem medyo heavy na nga siya. Di ba pag super yaman ka na eh kaya mo naman siguro magpa-lipo? Wala lang naisip ko lang. Si Zsa Zsa naman eh parang nakita na natin ang acting na yun.Parang di ko na feel ang nakakatawang fake-Tagalog accent ni Zsa Zsa. Si Heart ang may ibubuga! Flawless ang beauty ni Heart! Nakikipagsabayan talaga sa drama. Dennis Trillo is really good. I think baka may chance siya for Best Supporting Actor! Si Ciara pala parang napadaan lang at tumayo sa gilid mag-isa. Forgettable role, poor girl.Yung ibang mga anak parang wala lang.


mano po6C

Sana panghuli na itong Mano Po 6 : A Mother's Love ! Wala na yata silang maisip na idea pa. Medyo nakakasawa na rin ang mga fake Chinese accent ng mga artistang Pinoy. Para lang silang nagbabasa sa idiot board. Pwede ring gawing indie film na lang para konti lang gastos at mag-concentrate na lang sa mga good shots. Malaki raw masyado ang budget nito pero parang hindi naman ah? Baka sa talent fee lang ni Mega sila napagastos? Based sa MMFF judging system, Mano Po 6 has a good chance na manghakot uli. Kung yung Mano Po 1 nga eh hinakot halos lahat ng awards eh eto pa? Mano Po 6 is a movie for all Sharonians and other fans. Kung di mo type ang ibang mga artista rito? You may stay away.

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: