Wednesday, December 30, 2009

TFC AKO PO SI JUAN!

free glitter text and family website at FamilyLobby.comnobody juan


Di ko alam bakit nakikisakay sila sa Korean Pop Hit ng Wonder Girls eh natapos na lang ang movie na ito hindi man lang nagamit ito. Hindi ako nanood nito para mapanood ang dance craze na pinauso ng mga kalahi ni Sandara. Hindi rin ako nanood nito dahil fan ako ng Wowowee o kay Willie. Actually, nagtataka pa rin ako paano ko natiis na tapusin ang pelikulang alam kong magngingitngit ako sa galit. Honestly, I don't like Willie Revillame. I can't stand the guy and his show. Nobody Nobody But Juan is all about the goodness of his show. That people outside the Philippines love the show so much. Salamin daw ng buhay Filipino ang Wowowee. Hmmm... kapamilya pasok!

CHUVA NG PELIKULA:
Matanda na si Juan at nasa pangangalaga siya ng kanyang anak na si Mario sa Amerika na may-ari ng isang facility center. Tanging aliwan lang ng mga matatanda doon eh manood ng Wowowee dahil TFC subscriber sila! Dahil huge fan si Juan nakahanap siya ng paraan para makapanood ng live sa nasabing show. Pero hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga alaala noong aktibo pa siya sa teatro noong panahon ng pananakop ng mga Hapon. Akala ko ba Koreano nagpa-uso ng Nobody?

nobody juan1


Kung solid kapuso ka eh malamang mag-wa-walkout ka kaagad after mo makitang nagsasayawan sila pag Wowowee na. Simple lang naman kwento nito pero parang walang patutunguhan. Andaming DUH sa script! Una pa lang walang explanation kung bakit ayaw ng anak at daughter-in-law ni Juan na makita ang mga gurang sa center na nanonood ng Wowowee. Banned daw ang show sa mga gurang! Pero later on noong nasa live show na si Juan eh nakabukas ang TV nila sa Wowowee. Huh? Nagpapatawa ang pelikula pero ni minsan hindi ako natawa! Halos lahat ng mga jokes eh narinig ko na at napanood ko na! Nakakataas ng kilay ang mga jokes nila. Puro papuri na lang sa Wowowee ang makikita at maririnig mo rito. Puro promotion sa The Filipino Channel! A tribute to the kapamilya halos bukambibig nila. Paano naman ang mga Kapuso? Ka-Shake? At iba pang ka-ka paano naman nila ma-a-appreciate kung si Willie aka Puppy o Papi ang ginawang Idolo ng Bayan sa pelikulang ito? Meron pang drama rito sa bandang huli na di ko alam bakit sobra ang iyakan??? Nonsense ang forced-drama na yun na basta na lang isiningit. Since this is all about Wowowee, sabi ng host kailangan daw nilang subaybayan ang buhay ni Juan kasi ma-drama daw. Wala naman eh! Pero natuwa pa ako doon kasi hindi na pinakita ang mukha ng host after Juan's appearance on the said show.


nobody juan2

Naloka ako sa direction ni Eric Quizon kasi parang Wenn Deramas ang style. Yung mga pa-sped up shots ba? Ni isa wala akong nakitang good frames dito. Ni isa wala akong makitang good cinematography. Meron pa silang mga flashbacks scenes during the Japanese Era pero amateurish ang dating. Panget pa ng dubbing nila. Oh my God!!!! Kalait-lait naman ang musical scoring dito! Kahit ordinary conversation lang eh mala-epic ang tugtog. Since hindi naman fictional show ang Wowowee at siyempre ABS-CBN too, so hindi ko talaga maiwasan na magkamot ng ulo. Bakit? Huge network ang Kapamilya pero ang guard nila eh parang hindi tao kung umasta. Napakatanga! Real TV show pero labas masok ang mga taong wala namang backstage pass? Huh? Hindi rin kapani-paniwala na nakakapanloko pa ng mga tao ang dalawang gurang na lampas 80 years old na? Maraming mga ads din dito pero yung todo-promotion nila sa TFC eh nakakapanghina na. Lalo na yung kinanta ang fav love song ng mga drayber at mga katulong na pinasikat ni Willie. Yuck....natiis ko talaga! I'm so proud of myself na buhay pa rin ako after the end credits.


nobody juan3

Hindi na masyadong nakakatawa si Dolphy. Napaglipasan na mga jokes niya. Pero convincing siya sa drama kaso wala talaga sa timing ang pasok ng mga luhaan nila. Eddie Garcia seems OK here pero mas marami pang linya si Willie kaysa sa kanya. Event the respected actress Gloria Romero is here pero dinaanan lang naman ng camera. Lalo na si Heart Evangelista! Useless role for her! Wala lang. OA ang acting nina Epy and Vandolph Quizon dito. Ambivalent ako sa acting ni Pokwang. OK siya doon sa mga scenes niya in the 40s pero sa mga present scenes na gurang na sya eh hindi convincing ang acting. Make-up pa nga lang niya hindi maayos-ayos eh. May wrinkles sa mukha pero sa leeg at braso eh parang 30 years old lang. Too much energy for an old lady! Eugene Domingo is here pero wasted din ang talent niya. Sayang!


nobody juan4

If you hate Wowowee or Willie, don't watch this. Obviously ginawa ito para sa lahat ng mga fans ng noontime show. Ginawa rin ito para lalong ma-promote ang TFC. Dolphy is already in his 80s pero kung tribute niya ito eh isang malaking BLAH! Masyadong nakakapraning ang network wars ngayon kaya bad idea ang ginawa nila dito. Sana ginawang fictional na lang ang show na pinuntahan ni Juan at walang specified network! Hindi ito talaga magugustuhan ng mga audience na hindi nanonood ng nasabing show. Pero kahit papaano may matututunan ka namang kagandahang asal dito yun nga lang madali mo namang malimutan. Ito ang nakakaasar sa lahat! Wowowee is a free TV show pero pag nanood ka ng Nobody Nobody But Juan eh para ka na ring nagbayad! Buti na lang may MMFF passes ako!



free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: