Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Bago ko pinanood ito hindi ako umaasa na polished ang pelikiulang ito. Ikinatatakot ko rin na maiirita ako! Expected ko rin na lalangawin ang Wapakman! Pagpasok ko nakatama agad ako! Walo lang kami sa loob ng sinehan! Pero ang ikinagulat ko sa lahat eh ang Wapakman pala ang may mga pinakamagandang kuha sa lahat ng mga entries na kasali sa MMFF kaso nabahiran lang ng ilang nakakasuyang mga eksena. Kung hindi lang nilabanan ni Pacman si Cotto last November malamang 5 stars pa ang maibibigay ko sa ambisyosong pelikulang ito!!!
CHUVA NG PELIKULA: Taga-sep-sep ng ebs si Magno sa USA. Isa siya sa mga loyal employees ng United Septic Authority. Iniwan siya ng kanyang asawang si Magda para magtrabaho sa Italy at ngayo'y doble kayod na siya sa pag-aalaga ng kanilang limang anak. Ngunit isang gabi, isa si Magno sa mga natamaan ng isang chemical na may nuclear power dahil sa isang aksidente sa daan. Nakadamay pa 2 civilians at ilang alimango na di ko alam paano napadpad sa kalsada. Ito na ang makapagbabago sa buhay ni Magno, magkakaroon siya ng kakaibang lakas at liksi at isa na siyang Superhero sa pangalan na Wapakman!
Una sa lahat mala-Hollywood ang story nito kasi parang Spiderman ang dating. Kung sa New York eh may Peter Parker meron din tayong Magno Menesis o Minises (yan ang pagkarinig ko eh). O di ba PP sa kanila at MM naman sa atin! Meron pang mga villains na basta na lang sumusulpot at mamaya wala na talo na agad! Di ko akalain na matatawa ako pero surprisingly kaming 8 sa loob eh nagpapalakpakan dahil sa kakatawa!!! Mga simpleng lines ni Pacman eh natatawa na kami! Like Oh Yis!!! Now I Know! I Min !! Hanep ang delivery ni Magno grabeee!!! Sa totoo lang mas nakakatawa pa ang mga jokes nila rito kaysa sa Ang Darling Kong Aswang! Makita ko nga lang ang tatoo ni Magno natatawa na ako eh. Ano ba nakalagay doon sa braso niya? Ano lang naman Jinkee, Jimwell, Michael, Princess pero walang Dionesia. Ang malaking tanong sinu-sino nga ba ang mga ito sa buhay ni Magno? Asawa ni Magno eh si Magda naman tapos mga anak nila sina Piolo, Dingdong atbp pero walang Jimwell .Lagapak nga lang talaga sa story ang Wapakman dahil parang tumatalon ang kwento nang basta-basta! May mga kaaway na hindi man lang na-develop. Obviously, parang minadali na lang nila! Pero na-fe-feel ko na maraming pang eksena na hindi nakunan!
Si Topel Lee pala ang director nito na siya ring gumawa ng Ouija at Sundo ng GMA Films. Isa sa mga young talented directors ng bansa si Topel at dito sa Wapakman naipakita niya ang kanyang talento! Sa totoo lang halos lahat ng mga eksena eh pinaganda niya at litaw na litaw kung gaano kaaya-ayang panoorin ang mga simpleng eksena na hindi na kailangan ng special effects. May mga silent moments si Magno rito tulad ng naglalaba siya, naglilinis,at naghahanda ng pagkain sa mga anak niya. Ang gaganda ng pagkakakuha ni Topel talaga. Kahit mga night scenes nagawa pa rin niyang lagyan ng konting art ang mga eksena. I really love the Walo-walo accident sa kalye. Polished ang pagkagawa ng eksenang yun. Kahit ang sound at musical scoring pinaghandaan din nila kasi bumabagay sa mga eksena! Kaso nga lang kung kailan puring-puri na sana ako eh bigla rin ang lagapak nila! The truth is ang ganda ng mga fight executions dito! Awesome sana panoorin ang crab fight, duel with Combustible Man at Screamer at lalo na yung sa last battle with a confusing villain. Kaso busy si Pacman sa kanyang training sa USA kaya ang kanyang double na lang ang lumaban sa mga villains!!! Siguro wala na talagang choice si Topel kundi gamitin ang stuntman kaso halata talaga na hindi si Pacman yun! Doon pa lang sa crab fight, bistado na kasi iba ang buhok at iba rin ang pangangatawan ng double.Nakakatawa rin ang paibang-ibang kulay ng putik sa mukha ni Magno kasi minsan green o kaya brown na naman . Kahit nakasuot na ng Wapakman costume, eh halata pa rin na hindi siya si Pacman! You know what? Lalo kaming nagtawanan tuloy sa loob!!! Laugh trip yung double kasi ang galing niya sa bakbakan! Kung malinaw naman mata mo eh medyo halata pa rin ang mga harness lines na naka-blurred nang konti. May mga placement ng ads dito pero nakakatuwa tingnan!
Artista ba talaga si Manny Pacquiao? Boksingero siya pero hindi ako nairita sa akting niya kasi lumalabas na natural comedian pala ang ating pambansang kamao! LOL! Alam naman natin kung ano ang accent niya di ba pero ganun naman talaga siya magsalita! Actually, Manny is really sincere portraying Magno. Di ko lang ma-getz bakit na-link siya kay Krista eh mas maraming sweet moments pa sila ni Bianca King dito na ubod nang seksi at katakam-takam pa! Pero doon sa fight scene nila ni Krista di ko alam bakit gustong gawing romantic ni Wapakman yun? John Manalo is also here na muntikan nang magpaiyak sa akin! Ang galing niya talaga sa drama! Magagaling ang mga kids dito actually. Kahit si Mura, Keanna Reeves, Benjie Paras at Jojo Alejar eh nakakatawa rin pala!
Sa totoo lang kung may magyaya sa akin na panoorin ito uli eh hindi ako magdadalawang isip na panoorin ito kasama siya. Hindi biro! This is a semi-worst movie pero satisfied naman ako sa mga unexpected na kakatawanan. Talent pa lang ni Topel eh sulit na binayad ko. The truth is inulit ko pa siya at guess what? 10 na kami! Yung pitong nakasama ko eh nag-repeat watch pala sila at may 2 pang nadagdag. Call me silly for watching this pero the pleasure is really surprising! Ha ha ha!!! Nakapagtataka ano pag may title fight si Pacman at pinapalabas sa sinehan eh sold out palagi kahit ang price eh katumbas pa ng IMAX ticket! Pero eto na wala pang P200 eh hindi pinipilahan? Ano bang nagawang kasalanan ni Pacman sa inyo? Kayo ha porket mayaman na siya at may career na rin si Aling Dionesia eh pinababayaan nyo na ang acting career ni Manny? LOL ! Wapakman is insanely funny! Watch it! Magugulat kayo sa tuwa!!!!
No comments:
Post a Comment