Friday, December 25, 2009
UMUUSBONG NA PAG-ASA
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Kung napanood mo ang Exodus: Tales From Enchanted Kingdom noong 2005 eh parang ganito lang naman ang format din ng Ang Panday. In fairness, pwede na talaga tayong makipagsabayan sa mga Hollywood films. Kaya na pala nating gumawa ng ganitong mamahaling pelikula na kahit may pagkakahawig sa ilang fantasy films ng Hollywood eh maaari pa rin nating maipagmalaki. Natutuwa ako kasi kahit hindi ako fully satisfied sa outcome ng “Ang Panday” eh naaamoy ko naman ang halimuyak ng pag-asa. Unti-unti nang umuusbong ang bulaklak ng makabagong teknolohiya sa Pilipinas...konti na lang. Isang tawid na lang....
CHUVA NG PELIKULA: Sabi sa hula kapag bumagsak na ang bulalakaw sa lupa at kung sinuman ang makakabuo ng sandata mula sa mahiwagang bato nito ay ang taong makakapatay kay Lizardo ang hari ng kadiliman na naghahasik ng lagim sa mundo. Si Flavio ang nakagawa ng sandata kasi siya lang naman ang marunong sa lugar na yun at sa harap niya kaya bumagsak ang kometa? No choice siya! So problem na lang niya ano kayang design ang maganda sa espada? Maliit lang espada ni Flavio pero pag nagagalit ito eh aba pagkahaba-haba!!!!
Sa simula pa lang alam na alam kaagad natin ang ending ng kwento. This is good vs evil so obviously dapat ang bida ang mananaig sa bandang huli. Serious ang pelikula pero paminsan-minsan may isinasaboy na patawa na pwedeng magpangiti sa mga manonood. Kaso nakakairita lang talaga ang narrator na paulit-ulit ang sinasabi. Ang akala ko voice-over narration lang kaso kahit kausap niya ang mga tao eh nag-na-narrate pa rin siya ng same story. Pwede ba tanda tumahimik ka na sa kadadasal diyan? Joonee Gamboa is a brilliant actor kaso grrrr... ang style niya sa pag-narrate na parang nag-papasyon. Hindi tayo gaano mapapabilib kay Panday kasi umaasa lang naman pala siya sa mahaba niyang espada. May mga sidekicks pero wala naman masyadong silbi. May super kontrabida na hindi naman nakakatakot parang yung character lang ni Jay-R sa Exodus na tumaba lang ngayon. Meron pang love story na nabuo na di ko man lang namalayan. Maraming characters pero fillers lang para mapahaba ang running time. Eto ang weakness ng Ang Panday. Predictable ang story at super forgettable.
Nang malaman ko na si Mac Alejandre pala ang director eh medyo kabado ako kasi last movie niya na One True Love eh kahabag-habag ang pagkagawa niya. Pero good thing kasama pala si Rico Guttierez sa direction kaya medyo OK ang pagkagawa this time. Hindi pa super polished ang visual effects nila pero pwedeng-pwede na talaga! Hats off din sa production design. Hanep talaga kasi pinag-aralan ni Richard Somes ang lahat. Credible pati costumes nila. I love the cinematography. The locations are amazing. Di ko alam na may magagandang lugar pala sa Pilipinas. Pero sad to say the action scenes are very boring. Sino ba fight choreographer nito kasi walang kabuhay-buhay ang mga laban? Dinadaan na lang sa slow motion effect kaso nagiging corny ang dating. Walang kadating-dating ang sword fights Mas OK pa nga yung laban ni Emelita at ni Celso kasi parang si Legolas ang drama! Amblis naman mamatay ng mga kalaban! Super abo with matching fire kaagad ang death scene.
Ang role na Panday ni Bong eh hindi naman pambato sa Best Actor. Babatuhin ko ang mga judges pag nanalo si Senador kasi luto na yan. Bong is serious most of the time pero parang wala lang. Sword fight nga eh hindi magawa nang tama. Pero talagang pinilit sa story yung eksenang nag-drama siya sa harap ng napakaseksing dyosa na si Anne Curtis. Breakdown scene ni Bong yun na pwede nyang i-submit for Best Actor. LOL! Si Phillip Salvador eh sumasayaw lang naman dito at nag-bwa ha ha ha most of the time. Bwa ha ha ha. Di naman convincing ang tawa ni Ipe. Maganda talaga si Iza Calzado. Hindi nga lang challenging ang role niya. Kung effective ang pagpapacute ni Legolas sa Lord of the Rings. Nagpapacute rin si Geoff Eigenmann as Celso ,the bow and arrow hunk. Minsan OA si Buboy Villar pati si Benjie Paras.Tanging si Rhian Ramos lang yata ang kuminang rito. Isabak nyo siya sa action movies like Angelina Jolie kasi may ibubuga si Rhian!
Sa darating na awards night, I'm pretty sure na halos lahat ng mga technical awards eh hahakutin ng Ang Panday. Who knows masungkt pa nila ang Best MMFF Picture. This is a strong contender kung MMFF standards ang basis ng judging. Satisfied ako sa napanood ko pero di nga lang todong-todo. Baka next time kasi parang may hint na sequel daw?Am I recommending this movie? Pwede na siya sa mga bata pero kung exposed ka sa mga high-budgeted Hollywood films eh baka makulangan ka pa. Pero sabi ko nga eh nasa tulay na tayo. Konting hakbang na lang eh makakatawid na rin!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
2009 MMFF WINNERS
BEST PICTURE : ANG PANDAY
BEST PICTURE 1ST RUNNER UP : I LOVE YOU GOOD BYE
BEST PICTURE 2ND RUNNER UP : ANG DARLING KONG ASWANG
BEST DIRECTOR: JOEL LAMANGAN ( MANO PO 6 )
BEST ACTRESS : SHARON CUNETA ( MANO PO 6 )
BEST ACTOR : BONG REVILLA ( ANG PANDAY )
BEST SUPPORTING ACTRESS : HEART EVANGELISTA ( MANO PO 6 )
BEST SUPPORTING ACTOR : PHILLIP SALVADOR ( ANG PANDAY )
BEST CHILD PERFORMER : BUBOY VILLAR ( ANG PANDAY )
BEST ORIGINAL STORY : I LOVE YOU GOODBYE
BEST MAKE-UP: SHAKE RATTLE & ROLL 11
BEST PRODUCTION DESIGN : ANG PANDAY
BEST SOUND RECORDING : ANG PANDAY
BEST VISUAL EFFECTS: ANG PANDAY
BEST ORIGINAL THEMESONG: ANG PANDAY
BEST MUSICAL SCORE: MANO PO 6
BEST EDITING: I LOVE YOU GOODBYE
BEST CINEMATOGRAPHY: I LOVE YOU GOODBYE
LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD: DOLPHY
Top Grossers:
NCR (SM North EDSA): Ang Panday
Luzon (SM Dasma): Ang Darling Kong Aswang
Visayas (SM Cebu): I Love You Goodbye
Mindanao (SM Davao): I Love You Goodbye
GENDER SENSITIVE FILM: MANO PO 6
GATPUNO VILLEGAS CULTURAL AWARD : MANO PO 6
Post a Comment