Sunday, January 6, 2008

HOLY WOW

BANAL

Photobucket

Plano ko talaga na panoorin ito before the awarding night kaso busy ako lately kaya na-late ako sa Banal. Nalaman ko tuloy na nanalo na pala ito ng Best Director at Best Story.
Deserving ba?

Holy Wow! This film is unique!!!
Imagine a GMATV News Reporter in his directorial debut panalo agad ng award?
Congrats Cesar Apolinario.

Ang kakaiba sa Banal eh halatang di siya binigyan ng budget kasi obvious ang poor production design. Pero kahit papaano OK tingnan ang mga kuha ni Cesar except doon sa isang scene during the SWAT training. May nahagip ang camera na isang batang babae na naglalambitin sa puno na nanood sa kanilang training. Di ko alam bakit nasali sa eksena yun.

Photobucket

Acting? For me magaling si Paolo Contis & Alfred Vargas. Di ko pa kasi napanood ang Katas ng Saudi kaya di ko pa alam kung si Jinggoy ba ang deserving winner sa Best Acto pero I will watch it on Tuesday. May free ticket na ako courtesy of SM. I watched 5 movies na kasi pag may 5 stamps ka na you will get a free pass. Cool di ba?

Shocked ako kasi di nanalo si Boyet de Leon as Best Supporting Actor. Roi Vinson in Resiklo won the trophy pero for me di siya deserving. Hmmm. Ewan ko ba sa mga judges nila. Galing ni Boyet dito kaya!

Photobucket

Weak point din ng movie eh si Cass Ponti. Siya ba itong former housemate? Well, di man lang siya binigyan ng lipstick dito. Kahit nga pulbo parang wala eh. Pero litaw pa rin naman morena beauty niya kaso nga lang nakakatawa ang acting niya. Emote na emote na siya ha pero di man lang ako nadala. Acting ba tawag doon eh nag-memorized lang naman siya ng lines. Siguro kailangan ipasok pa siya uli sa bahay ni Kuya.

Nandito rin pala ang hunk na si Paolo Paraiso. Patawa siya rito.

Gusto ko rin ang story nito kasi ala-The Departed ang style. Basta may twists din. Medyo may pagka-pulitika nga lang pero totoong salamin ito sa mga nangyayari ngayon. Gulat lang ako kasi walang masyadong cuss words na nagamit. Malinis ang script huh?
Anti-Church ba ito? Hindi kaya kasi mismong pari ang nag-review nito sabi niya OK

R-13 ito dahil may isang torture scene. Nakita naman ito sa trailer di ba? Bitin ako sa scene na yun kasi mas stylish ito pag naked si Paolo Contis na tinali sa cross tapos nilulublob sa tubig. Yun ang torture di ba? I remember ginawa ito ni Papa Piolo Pascual sa Dekada 70. What happened? Grandslam Best Supporting Actor si Papa Piolo! Siyempre dagdag talent fee ito kay Paolo Contis pag nag-hubad pa siya kaso tight ang budget nila ayun fully clothed pa rin ang actor. Ha ha ha!

Anyway, analamig sa sinehan kasi ilan lang yata kami sa loob. Recommended ko ba ito?
Hmmm.. Ok lang naman ito. Hindi siya commercial kaya the best siya sa akin pag indie-criteria ang basehan. Kung mahilig ka sa action pwede na. Sabi nga nila parang The Training Day daw ito di ko kasi napanood yung movie ni Denzel eh. Nagustuhan ko rin ito kasi naalala ko ang CAT at ROTC training namin. Naranasan ko rin ang hirap na dinanas nila rito during training.

Hindi ito chick flick pero I’m sure kikiligin ang mga chickas kina Alfred at Paolo.
Teka, hindi ito mala-Brokeback Mountain ha? Pero kung iisipin mo medyo papunta na nga sila doon. Ha ha ha!

RATING : 3.5 / 5 *

No comments: