Tuesday, January 29, 2008

A NOT SO LACHRYMOSE CHANCE FOR ME

One More Chance

415px-omcfinalposter3

Finally napanood ko na rin ang Highest Grossing Pinoy film of 2007!
Yeah, ang One More Change ang tumabo sa takilya last year!
Sabi P152.7M ang kinita nito.Laki ano?
Sa milyon milyon na pumila ako lang ata ang di na-convinced na panoorin ito.
Bakit? Hindi kasi ako fan nina John Lloyd at Bea Alonzo.
Hate ko rin ang previous movie ni Cathy-Garcia Molina na ubod ng panget ang You Are The One.
Siya kasi ang director nitong One More Chance.
Since top grosser ito ako na-curious ako nakit nagustuhan ito ng masa.
I have a friend who loves this movie kaya pinahiram niya ako ng DVD nito.
Ano raw ba masasabi ko?

Nagustuhan ko ba?
Well, ambivalent ako.

The Good:

beajohnlloyd

Dito ko nakita ang 2 artistang magtatagal pa sa showbiz at alam kong hahakot ng mga awards sa mga susunod na mga taon kung mabibigyan ng matitinong pelikula. Hanep ang acting ni JLC dito. Wow as in wow talaga! Di nga ako fan di ba pero to the highest level ang pagkabilib ko sa kanya. Gusto ko yung break up scene nila sa basement parking. Di naman ako nadala o naluha kasi di ako maka-relate sa situation nila rito. Naranasan ko na rin magkaroon ng break-up sa isang relasyon pero mabilis naman akong naka-moved on. Siguro kung nasa “hiwalay stage” ka ngayon naku malamang isang litro ng luha ang lalabas sa iyo dahil I'm sure madadala ka sa acting ng 2. Si Bea bukod sa maganda ang mukha, as in bilib din ako sa acting niya. For Best Actress? Definitely!!! Best part niya ay yung sa mother niya when she realized na “masakit pala”.

54003

54002


Ang higit na nakakagiliw sa pelikula ay ang mga pamatay ng mga linya nila. Classic talaga! Maraming mga linyang binitawan sila JLC at Bea na talagang tatatak sa isipan ng mga nanonood.

one+more+chance+poster+0


The BAD:

As usual di ko pa rin gusto ang direction ni Cathy. Simple lang uli di man lang nag-effort ng makakuha ng magagandang angles na masarap sa mata tingnan. Parang TV sitcom pa rin. Wala ngang effort sa cinematography eh. May isang scene doon sa park kung saan umuulan tama ba naman yun? Super heavy ng rain eh ang sky naman blue na blue with cumulus clouds. Dapat man lang inayos nila yun thru visual effects. Ginawang nimbus clouds naman at dark konti ang sky.

Tama rin bang sabihin ang brand ng paracetamol na ini-endorse ni JLC dahil masakit ang ulo ng Uncle niya? Duh... ayoko talaga sa lahat ang garapalang endorsement sa pelikula. OK lang ang pahapyaw na madaanan ng camera wag lang yung isasama pa sa script an gproduct.

May mga baguhang artista rito na kasama di ko sila kilala pero sabi ng friend ko reality stars daw ito. Ganun ba? Well, balik na lang uli sila sa bahay ng Kuya nila. Nag-mememorize na parang binabasa lang kasi mga linya nila. Palamuti lang sila talaga!

Di ko rin gusto ang pag-recycle nila ng isang kantang ginamit sa isang Star Cinema movie ni Jolina.
“Nanghihinayang” ang title ng song at ginamit as music background. Duh... mega corny tuloy.

Ang di ko rin gusto ay pinapakita nila na OK ang mag-drive kahit lasing na lasing ka! OK lang kayo?
Paano nakauwi si JLC sa bahay niya eh lasing siya? Pumasok din sa work na bangag? Nasa construction din sila pero walang mga suot na helmets. Dapat kahit mga ganitong simpleng bagay eh maituwid din kahit sa pelikula man lang.

Last, ang ending eh super predictable. Corny pa mga lines nila doon . Para sa akin mas maganda ang ending kung doon sila magkikita sa bahay na pinagawa ng Tita ni JLC na si Nanette Inventor.
Ito yung first project nila as architect at engineer at dito rin nag-simula ang hint na may “One More Chance” pa nga. Di man lang naipaliwang kung nabuo ba ang bahay o hindi. Kung nabuo man mas romantic kung nandoon si Bea tapos may surprise arrival si JLC. Opinion ko lang ito. Di ko kasi gusto ang ending nila.

Pero kumita na ito! Wala na akong magagawa. OK naman siya based sa acting at screenplay.
The story is really common. Ang walang kamatayang break-up, cry cry cry at balikan to death scenario.
Two thumbs naman talaga ako sa acting ni JLC at Bea! Congrats sa Star Cinema for a successful film with a modest budget.

pdvd_377

RATING: 2.5 /5 *

No comments: